This is Just a Phase March 13, 2010
Posted by rocco mocco in Uncategorized.trackback
Naalala ko lang mag-iisang taon na pala ako dito sa Manila. Akala ko malulugmok nalang ako sa probinsiya habang buhay pero eto ako ngayon Manileno na. Mahirap sa kung mahirap pero lakasan lang ng loob. Pag mahina loob mo, patay ang abot mo. Marami akong natutunan sa Manila na nagpamulat sakin sa kalakaran ng buhay.Iba talaga pag nasa totoong laban ka na, matira ang matibay ika nga. Sa probinsiya kasi puro pagpapalaki lng ng bayag ang inaatupag ko. Dakilang PAL. Kakain, matutulog, at maghapon o magdamagang internet o movie marathon. Sarap ng buhay. Gigising na lang ako pag kakain na o maliligo lang. Patabaing baboy. Pero lahat iyon ay nabago ng napunta ako rito. Sariling labada ko ang isang linggo kong labahin. Sa probinsiya, kahit anong oras pwede maglaba , dahil may washing machine o kaya andun ang aming labandera.
Nawala ang mga luxuries ko sa buhay. Walang T.V , walang internet ni wala ngang soundtrip. Kelangan kong mamuhay ng mag-isa. Kelangang masanay ng mag-isa. Natututunan ko na din ang pagtitipid. Hindi tulad ng dati na waldas at walang pakundangan akong humihingi ng pera sa Kanila. Ngayon, budgeted lahat. Naranasan ko na kasi iyong walang makain at itinulog ko nalang para makalimutan ko ang problema. Okay naman pero minsan minsan pilit parin akong nagigising sa sakit ng tiyan dahil wala akong kinain. Napatunayan ko din na the best talaga ang Skyflakes para sa pagdidiyeta at da bes din itong kasama kapag wala kang pera.
Marami akong natutunan dito sa lungsod, hindi lang pagtitipid pero marami pa. minsan , naiisip ko lang umuwi at bumalik sa naiwan kong pamilya at kama sa probinsiya… na manatili nalang sa comfort zones ng buhay . Pero hindi, nag desisyon akong pumunta rito para magtagumpay.. Kaya kahit pagod na din eh, pilit parin pinagpapatuloy ang laban ng buhay. Living here is bitter sweet. I just tell to myself every time I feel down that this is just a phase.

padaan din, hindi naman nalalayo ang kwento mo nayan sa mga OFW.. ^^ pero sige lang tama kailangan nating umalis sa comfort zone natin para mas mahanap ang sarili kung saan mag mag grow tayo..
namiss ko tong theme na to sa wordpress. eto din ang dating theme ko. welcome uli!
enjoy wordpress maraming magiging kaibigan dito.
rockenroll!
Yep, that’s the best attitude to adopt talaga.
If you need anything, just holler. Hehe.
tama tama salamat sa pagbisita ha
Heheheh. Natutuwa naman ako sa mga post mo. Hindi mahirap basahin.
ayaw mo nun tgalog..makabayan kasi ako heheheh
you hit the nail right on the head, rocco mocco. there are others like you who are going through the same thing and i wish they could get to read this post. madami silang matututunan.
ayos! matinding survival lang naman ang kelangan dito sa lungsod e! ganun talaga ang buhay, minsan kelangan mong magtiis.